Wednesday, April 13, 2016

Summer Heat!

Kung katulad ka ng mgarami saatin na nakatira sa metro manila at mga karatig probinsya nito, malamang naaasar kana din sa napakainit at maalinsangan na panahon ngayon. Sa sobrang init ngayon nakakadalawang ligo na ko sa isang araw! Na dati ay hindi mo ginagawa kase tinatamad ka ;)
Kahapon habang nagjojogging kami ni papa sa campo malapit dito sa bahay namin, nakaranas ako ng pagkawala ng paningin! At eto pa hindi lang pala ako ang nakaranas noon kahapon kasi pangalawa na daw ako na sinugod sa kanila. Yung isa naman daw nagbabasketball tapos nagcramps yung binti nya tapos nawalan din sya ng paningin. Sabi ng doktor, dahil daw yon sa sobrang init ng panahon natin ngayon, kaya guys uminom kayo ng madaming madaming madaming tubig para hindi kayo madehydrate, kung maaari wag ma kayong lumabas sa bahay nyo sa pagitan ng 10am-4pm, kung may lakad naman kayo, wag niyo kakalimutan na magdala ng payong, extra t-shirt at tubig. Wag nyo din kakalimutan maglagay ng sunscreen para hindi kayo ma-sunburn, oo kailangan na talaga natin ngayon ng sunscree. Mapalalake o babae man dapat magingat na tayo dahil nga sa sobrang init ng panahon. Makatutulong din ito para maiwasan ang pagkakaroon ng skin cancer at iba pang sakit sa balat. Kaya ikaw kuya! Oo ikaw nga, wag ka ng maarte at gumamit kana ng sunscreen dahil hindi nalang pang-chix ang sunscreen ngayon, maigi na ang nagiingat. Kung lalabas kayo ng bahay dapat may baon kayong tubig para kapag nauhaw kayo hindi nyo na kailangan bumili, o diba makakatipid ka pa! Pero kung maiiwasan, wag na lang kayo lumabas sa bahay nyo ngayon para din sa kaligtasan nyo! Sa sobrang init nga e nakapagtala ang cabanatuan city ng new record dahil ang index heat nila ay umabot sa 52.3 °c! Kung ganyan dito sa maynila baka maya't maya nako nagkaka pawis ng dragon, yung pawis na gumagapang sa likod mo hanggang sa kuyukot mo.

Kailangan lang natin mag-ingat sa mga ganitong panahon para makaiwas tayo sa heatstroke. Feeling ko hindi na pang medtech tong post na to xD pero para kase ito sainyo! Alam nyo naman na mahal na mahal ko kayo kaya gusto ko lagi kayong safe! Kaya mga kaibigan lagi kayong magiingat! This has been PinoyMEDTECH! seeyou next time... or talk to you next time pala hahahahaha basta kahit ano! Adios!

No comments:

Post a Comment