Monday, April 11, 2016

Ano ang Medical Technology? Gusto mo bang maging Medtech??

Kung nangangarap kang maging doktor at ito ang gusto mong gawing pre-med, okay yan. Magandang pre-med ang Medtech, partner tayo ng mga doktor sa paggagamot sa mga pasyente. 80%  ng diagnosis ng mga doktor ay nakabase sa lab results na tayo ang gumagawa. 80 percent! 80 percent out of 100%!! Take that doc!!! :D 20% lang ang sainyo!! haha. Nakakalungkot nga lang isipin dahil napakahalaga ng trabaho natin pero konti lang ang nakakaalam ng existence natin dito sa mundo huhuhuhuhuhu!! :'( minsan napagkakamalan tayong mga nurse, hindi naman sa minamaliit ko ang mga nurse pero sana naman magkaron din tayo ng acknowledgement dahil malaking role ang ginagampanan natin sa ospital. Tignan lang natin kung hindi mo pa kami makilala pag nakaturok na ang karayom ko sa ugat nyo! HAHAHAHA joke lang masyado namang evil yon. Kung sa sweldo naman ang paguusapan, medyo kulelat tayo kumpara sa ibang kurso. Sapat lang ang sweldo ng medtech kung para sayo lang, pero kung mayroon kang pamilya na kailangan suportahan, nako teh magisip isip kana kung gusto mo pa bang ituloy to. Ang sweldo kasi ng medtech dito satin ay around 10,000-15,000 lang. Kung para sating mga studyante malaki na yan! Juicecolored! Sapat na yan para sakin buwan buwan eh! Pero once na magstart kana ng sarili mong pamilya either magaala elastic man ka dahil hindi lang isang trabaho ang papasukan mo para lang sumapat sa pangaraw araw na gastusin or magiibang bansa ka. Sa US kumikita ang medtech ng around $20-$30 per hour. Sure ako dyan kasi kakacheck ko lang ngayon :D. Kung gusto mo parin ituloy ang pangarap mong maging medtech, please be informed na walang holiday ang mga medtech! Oo wala. Kaya iexpect mo na na kapag noche buena nyo ay absent ka, kung hini man baka hahabol ka nalang. Ang saya! :D

Kapag medtech student ka magiging concious ka sa environment mo. Kapag sumasakay ako ng lrt 1 pauwi galing school, titiisin ko talagang hindi humawak sa hand railm hindi mo alam baka yung huling humawak non ay may tb pala o kaya may nakakahawang sakit haha magiging maarte ka sa medtech.

So kung gusto mo parin ituloy ang medtech career mo kahit na binalaan na kita. Go lang! Wag kang magalala masaya naman ang maging medtech. Nakakatuwa at nakakachallenge ang kursong ito. Madami kang makikita na hindi mo alam na nageexist pala (microorganisms). Always remember, Medtech knows ;)


No comments:

Post a Comment