Kung katulad ka ng mgarami saatin na nakatira sa metro manila at mga karatig probinsya nito, malamang naaasar kana din sa napakainit at maalinsangan na panahon ngayon. Sa sobrang init ngayon nakakadalawang ligo na ko sa isang araw! Na dati ay hindi mo ginagawa kase tinatamad ka ;)
Kahapon habang nagjojogging kami ni papa sa campo malapit dito sa bahay namin, nakaranas ako ng pagkawala ng paningin! At eto pa hindi lang pala ako ang nakaranas noon kahapon kasi pangalawa na daw ako na sinugod sa kanila. Yung isa naman daw nagbabasketball tapos nagcramps yung binti nya tapos nawalan din sya ng paningin. Sabi ng doktor, dahil daw yon sa sobrang init ng panahon natin ngayon, kaya guys uminom kayo ng madaming madaming madaming tubig para hindi kayo madehydrate, kung maaari wag ma kayong lumabas sa bahay nyo sa pagitan ng 10am-4pm, kung may lakad naman kayo, wag niyo kakalimutan na magdala ng payong, extra t-shirt at tubig. Wag nyo din kakalimutan maglagay ng sunscreen para hindi kayo ma-sunburn, oo kailangan na talaga natin ngayon ng sunscree. Mapalalake o babae man dapat magingat na tayo dahil nga sa sobrang init ng panahon. Makatutulong din ito para maiwasan ang pagkakaroon ng skin cancer at iba pang sakit sa balat. Kaya ikaw kuya! Oo ikaw nga, wag ka ng maarte at gumamit kana ng sunscreen dahil hindi nalang pang-chix ang sunscreen ngayon, maigi na ang nagiingat. Kung lalabas kayo ng bahay dapat may baon kayong tubig para kapag nauhaw kayo hindi nyo na kailangan bumili, o diba makakatipid ka pa! Pero kung maiiwasan, wag na lang kayo lumabas sa bahay nyo ngayon para din sa kaligtasan nyo! Sa sobrang init nga e nakapagtala ang cabanatuan city ng new record dahil ang index heat nila ay umabot sa 52.3 °c! Kung ganyan dito sa maynila baka maya't maya nako nagkaka pawis ng dragon, yung pawis na gumagapang sa likod mo hanggang sa kuyukot mo.
Kailangan lang natin mag-ingat sa mga ganitong panahon para makaiwas tayo sa heatstroke. Feeling ko hindi na pang medtech tong post na to xD pero para kase ito sainyo! Alam nyo naman na mahal na mahal ko kayo kaya gusto ko lagi kayong safe! Kaya mga kaibigan lagi kayong magiingat! This has been PinoyMEDTECH! seeyou next time... or talk to you next time pala hahahahaha basta kahit ano! Adios!
Wednesday, April 13, 2016
Monday, April 11, 2016
Ano ang Medical Technology? Gusto mo bang maging Medtech??
Kung nangangarap kang maging doktor at ito ang gusto mong gawing pre-med, okay yan. Magandang pre-med ang Medtech, partner tayo ng mga doktor sa paggagamot sa mga pasyente. 80% ng diagnosis ng mga doktor ay nakabase sa lab results na tayo ang gumagawa. 80 percent! 80 percent out of 100%!! Take that doc!!! :D 20% lang ang sainyo!! haha. Nakakalungkot nga lang isipin dahil napakahalaga ng trabaho natin pero konti lang ang nakakaalam ng existence natin dito sa mundo huhuhuhuhuhu!! :'( minsan napagkakamalan tayong mga nurse, hindi naman sa minamaliit ko ang mga nurse pero sana naman magkaron din tayo ng acknowledgement dahil malaking role ang ginagampanan natin sa ospital. Tignan lang natin kung hindi mo pa kami makilala pag nakaturok na ang karayom ko sa ugat nyo! HAHAHAHA joke lang masyado namang evil yon. Kung sa sweldo naman ang paguusapan, medyo kulelat tayo kumpara sa ibang kurso. Sapat lang ang sweldo ng medtech kung para sayo lang, pero kung mayroon kang pamilya na kailangan suportahan, nako teh magisip isip kana kung gusto mo pa bang ituloy to. Ang sweldo kasi ng medtech dito satin ay around 10,000-15,000 lang. Kung para sating mga studyante malaki na yan! Juicecolored! Sapat na yan para sakin buwan buwan eh! Pero once na magstart kana ng sarili mong pamilya either magaala elastic man ka dahil hindi lang isang trabaho ang papasukan mo para lang sumapat sa pangaraw araw na gastusin or magiibang bansa ka. Sa US kumikita ang medtech ng around $20-$30 per hour. Sure ako dyan kasi kakacheck ko lang ngayon :D. Kung gusto mo parin ituloy ang pangarap mong maging medtech, please be informed na walang holiday ang mga medtech! Oo wala. Kaya iexpect mo na na kapag noche buena nyo ay absent ka, kung hini man baka hahabol ka nalang. Ang saya! :D
Kapag medtech student ka magiging concious ka sa environment mo. Kapag sumasakay ako ng lrt 1 pauwi galing school, titiisin ko talagang hindi humawak sa hand railm hindi mo alam baka yung huling humawak non ay may tb pala o kaya may nakakahawang sakit haha magiging maarte ka sa medtech.
So kung gusto mo parin ituloy ang medtech career mo kahit na binalaan na kita. Go lang! Wag kang magalala masaya naman ang maging medtech. Nakakatuwa at nakakachallenge ang kursong ito. Madami kang makikita na hindi mo alam na nageexist pala (microorganisms). Always remember, Medtech knows ;)
Kapag medtech student ka magiging concious ka sa environment mo. Kapag sumasakay ako ng lrt 1 pauwi galing school, titiisin ko talagang hindi humawak sa hand railm hindi mo alam baka yung huling humawak non ay may tb pala o kaya may nakakahawang sakit haha magiging maarte ka sa medtech.
So kung gusto mo parin ituloy ang medtech career mo kahit na binalaan na kita. Go lang! Wag kang magalala masaya naman ang maging medtech. Nakakatuwa at nakakachallenge ang kursong ito. Madami kang makikita na hindi mo alam na nageexist pala (microorganisms). Always remember, Medtech knows ;)
Welcome to Blogger!! :)
Hi! Welcome sa new blog kong ito! :)
Ito ay tungkol sa mga experiences ng isang Medical Technology student. Kung bakit ako nagmedtech ay hindi ko alam. Ako ay student no. 15-0157* ng Centro Escolar University! Hehe. Incoming second year student. Mababasa mo dito ang mga magaganda at pangit na side ng pagiging medtech student. Mga inspiration para ipagpatuloy ang pagaaral ng kursng ito o kung bakit kailangan mo ng bitawan. Samahan nyo ko sa saya at luha. Hahaha ang drama lang. Kung gusto mong maexplore pa ang buhay medtech dahil hindi ka pa sure sa kukunin kong kurso sa college, feel free to read my posts. Kung may mga tanong kayo just comment and i will be more willing to answer them. Adios! :*
Subscribe to:
Posts (Atom)